ng kalangitan at sinabing mayroon siyang bagong tadhana. Nakahimlay siya doon haabng nakatingin sa kalangitan. Pinagmasdan niya ang mga naglalakihan at kumikinang na mga bituin sa langit. Punong puno siya ng galak. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya naglakbay. Hindi niya alam kung saan, ngunit magpapatuloy siya. Sa kahit anong paraan, pupunta siya sa kastilyo ng hari.Nang imulat ni Thor ang kanyang mga mata, umaga na at sumikat na ang araw. Nakatulog siya. Agad siyang umupo at sinuri ang paligid. Dapat siyang mas magingat. Buti na lamang at walang nakakita sa kanya.Gumagalaw pa din ang kariton ngunit mas makinis na ang mga dinadaanan nito. Nangangahulugan na malapit na sila sa siyudad. Tiningnan ni Thor kung gaano kakinis at kapatag ang daanan. Walang mga bato. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor, papalapit na sila sa kastilyo.Sumilip si Thor sa labas at namangha siya sa kanyang nakita. Ang mga daan ay puno ng mga ibat ibang mga dekorasyon. May mga tindahan ng ibat ibang mga bagay. Madaming mga karton at karwahe ang nasa daan. Ang bawat isa sa mga ito ay may mga dalang damit na yari sa balahibo ng hayop, mga basahan at maging mga manok. Kasabay dito ay ang mga nagtitinda, mga tagapagalaga ng tupa at ang iba ay may mga dala dalang buslo sa kanilang mga ulo. Daan daan ang mga tao at lahat sila ay papunta sa iisang direksyon.Nabuhayan si Thor. Ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kadaming tao, paninda at mga pangyayari. Lumaki siya sa maliit na nayon at ngayon ay napalilibutan siya ng madaming tao.Nakarinig siya ng malakas na tunog, ang kalansing ng kadena, ang pagputol sa mga punongkahoy na sa sobrang lakas, gumagalaw ang lupa. Kanyang napagtanto na sila ay kasalukuyang dumadaan sa isang tulay.Sinilip ni Thor ang labas. Namangha siya sa mga haligi na yari sa bato at ang malaking tarangkahan sa kanilang harapan. Papasok na sila sa kastilyo.Ito ang pinakamalaking tarangkahan na kanyang nakita. Sa itaas nito ay may mga matatalim na mga bakal na kung siya ay mababagsakan nito, mahahati ang kanyang katawan. Natanaw niya ang mga miyembro ng Silver na nakabantay sa harapan. Mas lalong bumilos ang tibok ng kanyang puso.Pumasok sila sa isang madilim na lagusan hanggang sa tuluyan na silang makarating sa loob ng kastilyo, ang korte ng hari.Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nakikita. Mas madami pang nagaganap sa loob at libo libong tao ang nagkalat sa bawat sulok nito. Malawak ang damuhan at napapalibutan ito ng mga naggagandahang mga bulaklak. Malapad ang daanan, at sa tabi nito ay mga ibat ibang tindahan, mga mamimili at mga gusali na yari sa bato. At sa paligid nito ay ang mga kawal at tauhan ng kaharian na nakasuot ng mga armas. Sa wakas, nakarating na sila.Sa kanyang galak, bigla siyang napatayo. Sa kanyang pagtayo, biglang huminto ang kariton at agad na bumagsak si Thor. Maya maya ay nagbukas ang likod ng kariton at umambad ang galit na galit na matandang lalaki. Hinila nito si Thor at itinulak papalabas.Bumagsak si Thor sa isang mabuhanging parte ng daan. Nagtawanan ang mga tao sa kanyang paligid."Sa susunod na sasakay ka sa kaeiton ko, mananagot ka na sa akin. Swerte ka at hindi kita pinahuli sa mga miyembro ng Silver" galit na sambit ng matanda.Tumalikod ang matanda at dali daling bumalik sa kanyang kariton.Dali daling tumayo si Thor aa sobrang kahihiyan. Pinagmasdan niya ang kanyang paligid. Ilang mga tao ang nagtatawanan. Tinitigan niya ang mga ito hanggang sila ay huminto.Bumalik ang kanyang sigla dahil sa kamangha manghang paligid na kanyang nakikita. Ang mahalaga ay nakarating siya. Ngayon, maari na siyang maglibot ng walang tinataguan. Sa gitna ng siyudad matatagpuan ang kastilyo ng hari na napaliligiran ng mga bandera na may simbolo ng hari at binabantayan ng mga kawal ng kaharian. Ang kanyang buong paligid ay puno ng luntiang mga halaman, mga nagtataasang gusali. Ito ay isang siyudad. At ito ay binabaha ng mga tao.Lahat ng mga tao, mga mamayan, mga tindero at mamimili, ay animo'y mga nagmamadali. Unti unting napagtanto ni Thor na may nagaganap na pagdiriwang. Sa kanyang pagmamasid, nakita niya ang mga paghahanda ng mga upuan at isang altar. Lahat ay naghahanda para sa isang kasal.Bahagyang tumigil ang kanyang paghinga ng kanyang makita mula sa malapit na distansya ang linya ng mga kawal at mandirigma. Pinalilibutan nila ang altar. Sa kabilang banda naman, ay may mga kawal na gumagamit ng mga sandata upang tamaan ang mga nakalagay na
target mula sa malayo. Ang iba naman ay gumagamit ng pana. Buong paligid ay puno ng mga palaro at paligsahan. Mayroon ding musika tulad ng pluta, gitara at nagkalat na mga musikero; bote bote ng mga alak na inihahain sa mga lamesa; sangkatutak na mga pagkain na parang walang katapusan sa dami.Sa kabila ng nakamamanghang kasiyahan, kailangan ng hanapin ni Thot ang Legion. Huli na siya at kailangan na niyang ipakilala ang kanyang sarili.Agad niyang nilapitan ang unang tao niyang nakita, na isang tagakatay ng hayop, base sa mantsa ng dugo sa kanyang kasuotan. Lahat ng tao ay nagmamadali.
"Mawalang galang na po ginoo," sambit ni Thor sabay hawak sa braso nito
Agad na napatingin ang ginoo kay Thor
"Ano yun?"
"Hinahanap ko po nag Legion. Alam niyo po ba kung saan sila nagsasanay?"
"Mukha ba akong mapa?" Naiinis na sagot ng ginoo sabay alis.
Nagulat si Thor sa pagtrato sa kanya ng ginoo.Agad siyang lumapit sa sumunod na taong kanyang nakita. Isang ginang na nagmamasa ng harina sa isang lamesa. May ilang ginang na nagtatrabaho sa may lamesa. Sigurado si Thor na isa sa kanila marahil ang may alam.
"Mawalang galang na ginang" aniya, "alam niyo po ba kung saan nagsasanay ang Legion?"Nagtinginan nag mga ginang at sabay nagtawanan. Ang ilan sa kanila ay mas nakakatanda kay Thor.Lumingon ang pinakamatanda at hinarap si Thor."Naghahanap ka sa maling lugar," tugon ng ginang, "nandito kami upang maghanda para sa pagdiriwang."Ngunit ang sabi nila sa akin ay dito sa korte ng hari sila nagsasanay" nalilitong tanong ni Thor.Muling nagtawanan ang mga babae. Napailing na lamang ang nakatatanda."Mukang ito ang unang beses mo dito sa korte ng hari. Hindi mo ba alam kung gaano ito kalaki?"Namula si Thor habang patuloy sa pagtawa ang mga kababaihan kaya umalis na lamang ito. Hindi niya gusto ang pakiramdam ng pinagtatawanan.Nakita niya ang madaming daan at pasikot sikot na mga kanto sa loob ng korte ng hari. Sa isang banda ay puno ng madaming papasok na daan. Nakakapangliit ang kalakihan ng lugar na ito. Pakiramdam niya na kahit libutin niya ito ng ilang araw ay hindi niya pa rin ito mahahanap.Isang ideya ang pumasok sa kanyang isip;panigurado ay alam ng mga kawal kung saan sila nagsasanay. Nahihiya siyang lumapit sa isang tauhan ng kaharian, ngunit kailangan niya itong gawin.Agad siyang nagmasid at nilapitan ang unang kawal na kanyang nakita. Umaasa na sana'y hindi siya itaboy nito. Nakatindig lamang ito at nakatingin ng diretso sa malayo."Hinahanap ko po ang mga Legion ng mahal na hari. " sambit ni Thor sa kanyang pinakamatapang na boses.Patuloy na hindi gumalaw ang kawal. Hindi ito sumagot"Sabi ko, hinahanap ko po ang mga Legio ng hari" sigaw ni Thor upang siya ay mapansin.Matapos ang ilang sandali, ay tiningnan siya ng kawal."Maari niyo po bang ituro sa akin?" Pilit ni Thor"At anong kailangan mo sa kanila?""Napakaimportanteng bagay po. " sagot ni Thor na umaasa na sana'y hindi na masyadong magtanong ang kawal.Muling tumingin sa malayo ang kawal, hindi siya pinansin. Pinanghinaan ng loob si Thor dahil mukhang wala siyang makukuhang sagot.Ngunit makalipas ang animo'y napakatagal na paghihintay, sumagot ang kawal, "pumasok ka sa kanlurang pasukan at diretsuhin mo lamang ito. Pumasok ka sa ikatlong pasukan, kumanan ka at kumanan ka muli. Lampasan mo ang rebulto na yari sa bato at makikita mo ang papasok sa lugar nila. Ngunit binabalaan na kita. Hindi sila tumatanggap ng bisita."Yun lamang ang gustong marinig ni Thor. Ng walang pagaalinlangan ay agad umalis si Thor habang sinusubukan niyang tandaan ang direksyon na sinabi ng kawal. Mataas na ang sikat ng araw at naway sa kanyang pagdating ay hindi pa huli ang lahat.
* Nagtatakbo si Thor paikot sa mga pasikot sikot ng korte ng hari. Sinubukan niyang sundin ang direksyon na sinabi ng kawal. Sana'y hindi siya maligaw. Sa dulo ng isang patyo , nakita niya ang ilang pasukan at kanyang pinili ang pangatlo. Tinakbo na niya ito. Nilampasan ang libo libong mga tao na lalong dumadami sa paglipas ng oras. Kanya ng binangga ang mga nagkalat na mga tagapalabas sa daan.
Hindi maisip ni Thor na mahuhuli siya para sa pagpili ng mga bagong miyembro ng Legion kaya ginawa niya ang lahat upang makahabol. Nilampasan niya ang bawat gusali habang hinahanap ang kinaroroonan ng kanilang lugar para sa pageensayo. Ng marating niya ang dulo ng daan na kanyang tinahak, napansin niya ang isang gusali na mukhang ito na ang kanyang hinahanap: isang koluseyo na yari sa bato at isang perpektong bilog. Maraming nakabantay na mga kawal sa pintuan nito sa harap. Nakarinig si Thor ng mga sigawan at palakpakan mula sa loob at bumilis ang tibok ng kanyang puso. Ito na nga.
Agad siyang tumakbo, habang hinahabol ang kanyang paghinga. Sa kanyang paglapit sa pintuan, dalawang kawal ang humarang sa kanya. Isa pang kawal ang lumapit sa kanya.
"Hinto!" Utos ng kawal
Napatigil agad si Thor habang hinahabol nag kanyang paghinga.
"Hindi..ninyo..naiintindihan" hingal na sabi ni Thor. "Kailangan kong makapasok