Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс

Читать онлайн.
Название Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani
Автор произведения Морган Райс
Жанр Героическая фантастика
Серия Singsing ng Salamangkero
Издательство Героическая фантастика
Год выпуска 0
isbn 9781632912503



Скачать книгу

ay naging tagumpay o kaya naman ay naghihintay lamang sila ng tamang oras upang sumugo. Ano sa tingin mo?" Tanong ng hari kay AbertholNilinaw ni Aberthol ang kanyang lalamunan, "mahal na hari, kailanman ay hindi pinagkatiwalaan ng inyong ama at lolo ang mga McClouds. Kung sila man ay natutulog, hindi ito nangangahulugan na hindi na sila magigising."Tumango lamang si MacGil."At kamusta naman ang Legion?" Tanong niya kay Kolk.

      "Ngayon po ipapakilala ang mga bagong kasapi," sagot ni Kolk, sabay tango.

      "Kasama ang aking anak?" Anong ng hari

      "Nangibabaw po siya sa lahat mahal na hari"

      Tumango muli ang hari at tumingin kay Bradaigh

      "Anong balita mula sa labas ng ating sanggalang?""Mahal na hari, mas madami pong nakitang pagtatangka na makapasok sa ating sanggalang. Nangangahulugan po ito na maaring naghahanda sa pagatake ang mga rebelde"

      Nagbulungan ang mga tagapayo at nakaramdam ng takot si MacGil. Matibay ang kanilang sanggalang, ngunit hindi pa din niya maiwasan ang magisip ng mga posibilidad."Paano kung biglaan silang umatake?" Tanong ng hari"Hangga't nariyan ang ating sanggalang,hindi magtatagumpay ang mga rebelde. Ilang milenyo na nilang sinusubukang makapasok. Wala tayong dapat ikatakot."Hindi pa rin makampante ang hari. Matagal na mula noong umatake ang mga rebelde at hindi niya maiwasang magisip kung kailan ulit ito mangyayari."Mahal na hari," sambat ni Firth, "kailangan ko po kayong sabihan na nagsidatingan na ang mga matataas na kinatawan ng mga McClouds. Isang insulto para sa kanila kung hindi natin sila haharapin, kalaban o hindi. Iminumungkahi ko na gumawa kayo ng panahon upang batiis ang bawat isa sa kanila. Madami silang handog na regalo at ayon sa mga bulong bulungan, may dala din silang mga espiya.""Sino din ang magsasabi na wala pa ang mga espiya dito sa loob?" Sagot ni MacGil habang tinitingnan ng mabuti si Firth at iniisip kung siya ba mismo ay isang espiya.Bago makasagot si Firth, itinaas ng hari ang kanyang kamay sabay buntong hininga.

      "Kung tapos na, ako'y aalis na upang dumalo sa kasal ng aking anak.""Mahal na hari," dagdag ni Kelvin "mayroon pa po. Isang tradisyon na tuwing kasal ng unang anak ng hari ay papangalanan ang tagapagmana ng inyong trono. Hihintayin po ng mga mamamayan ang inyong anunsyo. Ito po ay naging usap usapan. Mas makakabuti kung hindi niyo po sila bibiguin lalo na at ang 'espada ng tadhana' ay nananatiling hindi gumagalaw."Pipilitin mo akong pangalanan ang aking tagapagmana habang nakaupo pa ako sa aking trono?" Tanong ng hari"Mahal na hari, hindi ko po intensyon na…"Itinaas muli ng hari ang kanyang kamay. "Alam ko ang tradisyon. At magpapangalan ako ng aking tagapagmana ngayong araw""Hindi mo ba sasabihin sa amin kung sino?"tanong ni FirthTinitigan lang muli ng hari si Firth. Hindi niya ito pinagkakatiwalaan."Malalaman niyo din sa tamang panahon"Tumayo ang hari at sumunod ang mga tagapayo. Nagbigay galang ang mga ito bago lumabas ng silid.Tumindig lamang doon ang hari at nagisip. Ito ang mga araw na hinihiling niya na sana'y hindi siya nag hari.

*

      Naglakad ang hari patungo sa isang maliit na pinto sa loob ng silid. Binuksan niya ito at pumasok.Gusto ng hari ang katahimikan at katiwasayan sa loob ng maliit na silid. Ang buong silid ay yari sa bato. Ang liwanag sa silid ay nagmumula lamang sa iisang bintana. At ang natatanging laman ng silid na ito ay ang Espada ng Tadhana.Ang espada ay nakatusok sa isang napakalaking bato. Bata pa lamang ang hari ay nandoon na espada. Naalala niya kung paano niya ito palibutan at suriin. Ang Espada ng Tadhana. Ang pinagmumulan ng lakas ng kapangyarihan ng buong kaharian. Kung sino man ang may lakas upang tanggalin at hugutin ang espada ay ang Natatangi. Ang nagiisang nakatadhana upang maghari sa haba ng panahon. Ang nagiisang magbibigay ng kalayaan laban sa mga banta at panganib sa loob at labas ng kaharian at ng Bilog na Kaharian. Kinalakihan ni MacGil ang alamat na ito. Kaya ng siya ay maging hari, agad niyang sinubukang hugutin ito. Tanging mga hari lamang ang maaring sumubok dito at lahat sila ay nabigo. Sigurado siyang hindi siya mabibigo.Ngunit nagkamali siya. Ang kanyang pagkabigo ay nakaapekto sa kanyang pagiging hari.Habang tinititigan niya ito, nararamdaman pa din niya ang pagkabigo. Sinuri niya ang mahabang patalim nito na kailan man ay hindi pinagaralan ng mga eksperto. Ang kwento tungkol sa pinagmulan nito ay hindi rin malinaw. Ayon sa mga nakakatanda, ang espada ay nagmula sa ilalim ng lupa dala ng isang lindol.Siya ay isang mabuting hari ngunit hindi siya ang Natatangi. Alam ng mga tao iyon. Alam ng kanyang mga kalaban. Mabuti siyang hari ngunit kailanman ay hindi siya ang magiging Natatangi.Kung siya man ito, marahil ay mas magkakaroon ng kapayapaan at mawawala ang mga pagdududa at di pagkakasunduan. Mas pagkakatiwalaan siya ng kanyang nasasakupan at hindi na iisipin pang umatake ng mga kalaban. Isang bahagi niya ang nagnanais na mawala ba lamang ang espada at ang kwento tungkol dito. Ngunit hindi ito mangyayari. Dahil iyon ang kapangyarihan at sumpa ng isang alamat. Mas malakas pa kaysa sa hukbo ng mga mandirigma.Habang pinagmamasdan niya muli ang espada, hindi ulit maiwasan ng hari na magisip kung sino ba talaga. Sino sa kanyang mga kadugo ang nakatadhana para dito? Habang iniisil niya ang mga ito, pumasok sa isip niya ang kanyang magiging tagapagmana at kung kakayanin ba nito na hugutin ang espada."Mabigat ang espada, "sambit ng isang bosesLumingon si MacGil at nabigla na may kasama na pala siya sa silid.Doon ay nakatindig si Argon. Nakilala ni MacGil ang boses nito. Nakaramdam ng inis ang hari dahil nahuli ito ng dating,ngunit nakaramdam din siya ng saya at dumating na si Argon."Huli ka na!" Sabi ni MacGil."Ang iyong sense ng oras ay hindi applicable sa akin."Muling tiningnan ni MacGil ang espada."Naniwala ka ba sa akin na kaya kong hugutin ang espada?" Tanong ng hari, "noong naging hari ko?""Hindi." Agad na tugon ni ArgonLumingon ang hari at tinitigan si Argon."Alam mong hindi ko magagawa? Hindi ba? Nakita mo?""Oo"Napaisip muli si MacGil."Tinatakot mo talaga ako kapag sinasagot mo ako ng diretso. Hindi ikaw ito."Nanatiling tahimik si Argon hanggang sa mapagtanto ni MacGil na hindi na ito sasagot."Papangalanan ko na ang magiging tagapagmana ng trono ko sa araw na ito."sabi ni MacGil. "Nakakalungkot isipin na papangalanan ko ang papalit sa akin. Parang kinukuha ang saya sa bawat hari sa araw ng kasal ng anak nila"

      "Marahil ang ganoong kasiyahan ay nakalaang tapusin"

      "Subalit marami pa akong taon upang mamuno" ang paliwanag ni MacGil

      "Marahil hindi ito kasingdami tulad ng naiisip mo," sagot ni Argon

      Nanlaki ang mga mata ni MacGil. May nais ba siyang ipahiwatig?

      Ngunit wala ng idinagdag si Argon.

      "Anim na anak. Sino ang pipiliin ko?" Tanong ni MacGil

      "Bakit ako ang tatanungin mo? Hindi ba't nakapili ka na?"

      Tumingin lamang siya si Argon. "Lahat talaga nakikita mo. Oo, nakapili na ako. Ngunit gusto ko pa ding malaman a g opinyon mo"

      "Sa tingin ko ay tama ang iyong desisyon," sagot ni Argon, "ngunit tandaan mo na walang hari ang maaring mamuno mula sa kanyang libingan. Kung sino man ang iyong mapili, tadhana pa rin ang masusunod"

      "Mabubuhay ba ako, Argon?" Agad na tanong ni MacGil. Matagal na siyang binabagabag ng tanong na iyon simula ng siya magising mula sa isang masamang panaginip.

      "Kagabi, nanaginip ako ng isang uwak," dagdag niya, "tinangay nito ang aking korona. At isa pang uwak ang tumangay sa akin. At habang dinala niya ako paitaas, nakita ko ang buong kaharian. Binalutan ng kadiliman"

      Tumingin siya kay Argon, nangingilid ang luha.

      "Panaginip lang ba iyon? O may iba pa itong kahulugan?"

      "Lahat ng panaginip ay may kahulugan, hindi ba?" Tanong ni Argon

      Palubog ng palubog ang pakiramdam ni MacGil.

      "Nasaan ang panganib? Sabihin mo sa akin."

      Lumapit si Argon at tumitig sa mga mata ni MacGil at bumulong.

      "Palaging nandiyan lang, malapit sayo."

      IKAAPAT NA KABANATA

      Sumakay at nagtago sa likod ng isang kariton na yari sa straw habang binabagtay ang daan patungo sa kastilyo ng hari. Tinahak niya ang daan palabas ng madilim na kagubatan buong gabi at naghihintay ng dadaan na kariton kung saan maari niyang sakyan ng hindi siya napapansin. Madalim ang daan at mabagal na dumating ang kariton, tamang tama para makahabol si Thor at makasakay sa likod nito. Puno ito ng mga dayami na siya niyang pinagtaguan. Hindi siya napansin ng mayari. Hindi sigurado si Thor kung sa kastilyo ng hari ang punta nito ngunit mukhang doon ang direksyon nito.Habang tinatahak nila ang daan, buong gabing gising ay nagiisip si Thor tungkol sa kanyang pakikipagsagupaan sa Sybold. Kay Argon. Ng kanyang tadhana. Ang kanyang lugar na kinalakihan. Ang kanyang ina. Animo'y binigyan siya ng kasagutan