Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani . Морган Райс

Читать онлайн.
Название Ang Pakikipagsapalaran ng mga Bayani
Автор произведения Морган Райс
Жанр Героическая фантастика
Серия Singsing ng Salamangkero
Издательство Героическая фантастика
Год выпуска 0
isbn 9781632912503



Скачать книгу

mga nakahilera na mga patamaan na kailangan nilang tamaan. Ito ang kompetisyon para kay Thor.Nabibilang sa mga ito ang dose dosenang mga mandirigma, miyembro ng Silver, nakatayo at pinagmamasdan ang mga nagaganap na paligsahan. Unti unti na silang pumipili kung sino ang karapat dapat ng umuwi at kung sino ang magpapatuloy.Alam ni Thor na kailangan niyang patunayan ang kanyang sarili sa harap ng mga ito at pabilibin ang lahat. Maya maya lamang ay maabutan na siya ng mga humahabol sa kanya. Kung may pagkakataon upang ipakita ang kanyang kakayahan, ngayon na ito. Ngunit paano? Kailangan niyang magisip ng mabilis ng paraan.Habang tumatakbo si Thor at nagiisip ng susunod niyang plano, Ilan sa mga kalahok ay napatigil upang saksihan ang nangyayaring kaguluhan, maging ang mga kawal. Makalipas ng ilang segundo, lahat ng atensyon ay nakatuon na kay Thor. Lahat sila ay mukhang nagtataka at nagtatanong kung sino ba siya, na tumatakbo sa gitna ng paligsahan, at hinahabol ng tatlong kawal. Hindi ito ang paraan na ginusto niya upang mapansin ng mga tao. Buong buhay niya, simula ng hangarin niyang mapasali sa Legion, hindi kailanman pumasok sa isip niya ang pangyayaring ito.Habang tumatakbo so Thor at nagiisip ng maari niyang gawin, isa sa mga kalahok ang sinubukang magpakitang gilas sa pamamagitang ng pagpigil kay Thor. Isang malaking lalaki. Matangkad at halos doble sa laki ni Thor. Itinaas nito ang kanyang espada na yari sa kahoy upang harangan si Thor. Nakita ni Thor kung gaano kapursigido ang lalaki na kalabanin siya, at ipahiya siya sa harap ng madaming tao at ang makaangat sa ibang mga kalahok.Walang dahilan si Thor upang kalabanin ang lalaki, hindi niya ito laban. Ngunit pinipilit nitong angkinin ang laban upang makaangat.Habang papalapit ang lalaki, hindi makapaniwala si Thor sa laki nito. Ito na ata ang pinakamalaking katawan na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi alam ni Thor kung paano niya kakalabanin ito.Ipinuwesto ng lalaki ang kanyang espada na yari sa kahoy at alam ni Thor na kung hindi siya agad kikilos, mapapabagsak siya nito.Parang kusang kumilos ang katawan ni Thor. Agad niyang kinuha ang tirador at agad pinatamaan ang kamay ng lalaki. Sumakto ang bato sa kanyang kalaban at agad nitong nabitawan ang kanyang espada. Tumalsik ang espada at napaluhod ang lalaki sa sobrang sakit.Wala ng sinayang na oras si Thor. Ginamit niya ang pagkakataon habang bagsak ang lalaki. Tumalon si Thor at bumagsak ang paa nito sa dibdib ng lalaki. Ngunit masyadong matigas ang lalaki at pakiramdma ni Thor ay sumisipa siya sa isang matigas na punong kahoy. Bahagya lamang na nasaktang ang lalaki, bigya itong tumayo. Natapilok naman si Thor.Hindi ito ang dapat mangyari, isip ni Thor habang bumagsak siya sa lupa.Sinubukan ni Thor ang makatayo ngunit umatake agad ang lalaki. Binuhat niya si Thor at inihagis muli hanggang sa bumagsak si Thor sa lupa.Ilang grupo ng mga lalaki ang pumalibot sa kanila at nagpapalakpakan. Namula si Thor sa sobrang kahihiyan.Sinubukan muling bumangon ni Thor ngunit masyadong mabilis ang lalaki. Nasa ibabaw niya agad ito hanggang sa maging labanan na ito ng pabigatan ng katawan.Naririnig ni Thor ang lumalakas na mga sigawan ng mga ibang kalahok na pumalibot sa kanila. Itinaas ng lalaki ang hinlalaki nito at itinuon sa mata ni Thor. Hindi makapaniwala si Thor, nais talaga ng lalaki na pahirapan at saktan siya. Ganoon ba niya talaga kagusto na mas makaangat?Sa huling segundo, inuntog ni Thor ang lalaki na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para makawala sa lalaki.Nakatayong muli si Thor at hinarap ang lalaki na agad ring nakatayo. Ibinuhos ng lalaki ang kanynag buong lakas upang suntukin si Thor sa mukha ngunit nakaiwas ito;naramdaman ni Thor ang lakas ng kamao ng lalaki na muntikan ng tumama sa kanya. Kung hindi niya ito naiwasan, marahil ay basag na ngayon ang kanyang panga. Agad sinuntok ni Thor sa sikmura ang lalaki ngunit wala itong naging epekto;para itong isang puno.Bago pa man makakilos muli si Thor ay siniko na siya nito sa mukha.Napagtaob si Thor. Para siyang pinukpok ng martilyo sa sobrang lakas.Habang sinusubukan ni Thor na bumalik ang kanyang lakas, sinipa siya ng malakas sa dibdib ng malaki. Muling tumilapon si Thor at bumagsak sa lupa. Nagpalakpakan at nagsigawan muli ang mga manunuod.Si Thor, na hilong hilo, ay sinubukan na makaupo ngunit sinuntok siyang muli ng lalaki na nagpabagsak muli sa kanya at sa pagkakataon na ito, hindi sigurado ni Thor kung kakayanin pa niyang makabangon.Nakahiga lamang doon si Thor sa lupa habang pinapakinggan ang mga hiyawan ng mga manunuod at nalalasahan ang dugo na galing sa kanyang ilong. Namaluktot siya sa sobrang sakit. Iniangat niya ang kanyang ulo at nakita niyang pabalik na ang lalaki sa kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang pagkapanalo.Gusto nang sumuko ni Thor. Masyadong malakas ang lalaking ito. Isang kahibangan ang pagsubok niya na kalabanin ito. Hindi na niya kakayanin. Ngunit may bahagi niya ang tumutulak sa kanya na lumaban. Hindi siya maaring matalo. Hindi maari lalo na sa harap ng mga taong ito.Huwag kang sumuko. Tumayo ka. Tayo!Bahagyang nanumbalik ang lakas ni Thor. Dahan dahan niya itinuon ang mga kamay hanggang sa makatayo na ito. Hinarap niya ulit ang lalaki. Puno ng dugo ang kanyang mukha, namamagang mga mata at mahirap na paghinga. Ngunit itinaas muli ni Thor ang kanyang kamao.Lumingon ang lalaki at tinitigan si Thor. Hindi ito makapaniwala sa nakikita."Nanatili ka na lang sanang nakahiga bata," banta ng lalaki habang papalapit kay Thor."TAMA NA!" Isanng boses ang sumigaw. "Elden, awat na!"Isang kawal ang dumatin at pumagitna sa dalawa. Tumahimik ang mga manunuod. Isa itong kawal na nirerespeto ng lahat.Tumingin si Thor sa prisensya ng isang mandirigma. Nasa ikadalawamput taong gulang na ito, matangkad, malapad na mga balikat, pakwadradong mga panga at buhok na kulay lupa. Nagustuhan agad siya ni Thor. Nakamamangha ang kasuotan nito na yari sa metal, na may mga simbolo ng hari; ang symbolo na agila ng mga MacGil. Natuyo ang lalamunan ni Thor: nakatindig sa kanyang harapan ang isang miyembro ng pamilya ng mga MacGil. Hindi siya makapaniwala""Ipaliwanag mo ang iyong sarili bata," sabi ni Thor, "bakit ka pumasok ng hindi naiimbitahan?"Bago pa man makasagot si Thor, biglaang dumating ang tatlong kawal na humahabol kay Thor. Huminto ang pinunong tagabantay, hinahabol ang kanyang paghinga habang nakaturk kay Thor."Sumuway po siya sa aming utos!" Sigaw ng tagabantay. "Ikakadena ko po siya at ikukulong sa bartolina.""Wala akong ginawang masama" palaban na sagot ni Thor"Wala?" Tanong ng tagabantay. "Nagpumilit kang pumasok sa pagaari ng hari ng walang pahintulot o imbitasyon.""Gusto ko lamang ng pagkakataon.!" Sigaw ni Thor habang nakatingin sa kawal na miyembro ng pamilya ng hari. "Gusto ko lamang mabigyan ng pagkakataon na makasali sa Legion.""Ang lugar na ito ay para lamang sa mga napili at naimbitahan." Isang boses ang biglang nagsalitaIsang mandirigma ang dumating, nasa ikalimampung taong gulang, makisig, nakakalbong buhok, maikling bigote at marka ng sugat sa kanyang mukha sa bandang ilong. Sa kanyang tindig, makikita na siya ay naging isang mahusay na mandirigma buong buhay niya. At base sa mga simbolo na nakaukit sa kanyang kasuotan, malalaman na siya ang pinuno ng lahat ng mga kawal at mandirigma. Bumilis ang tibok ng puso ni Thor pagkakita dito:isang heneral."Hindi ako inimbitahan ginoo,"paliwanag ni Thor. "Iyon ang katotohanan. Ngunit buong buhay ay pinangarap ko na makarating dito. Nais ko lamang mabigyan ng pagkakataon na maipakita ang kaya kong gawin. Na kasing galing ako ng mga naririto. Bigyan niyo lamang ako ng isang pagkakataon. Pakiusap. Ang pagsali sa Legion ang tangi kong pangarap.""Ang lugar na ito ay para sa pakikipaglaban bata. Hindi para sa mga nangangarap." Sagot ng heneral. "Para ito sa mga mandirigma. Walang maaring magbago sa aming patakaran:napili na ang mga kalahok"Lumingon ang heneral sa mga kawal at agad lumapit ang mga ito upang ikadena si Thor.Ngunit bigla silang hinarang ng mandirigma na miyembro ng pamilya ng hari."Marahil sa araw na ito ng pagdiriwang, maaring nating suwayin ang patakaran" aniya.Tumingin lamang ang heneral sa nasabing ginoo. Nais nitong sumaliwat ngunit hindi niya ito maaring gawin sa pamilya ng hari."Nakakahanga ang determinasyon mo bata" pagpapatuloy ng mandirigma. "Bago ka namin paalisin, nais kong makita ang kaya mong gawin.""Ngunit Kendrick, may mga sinusunod tayong patakaran, " ang sigaw ng heneral"Ang pamilya ng hari ang gumagawa ng mga patakaran" ang sambit ni Kendrick, "at ang Legion ay tagasunod lamang sa mga ito.""Sumusunod kami sa hari, hindi sa iyo." Sagot ng heneralNagkaroon ng katahimikan sa buong paligid. Hindi makapaniwala si Thor sa kanyang nasasaksihan."Kilala ko ang aking ama at kung ano ang kanyang gugustuhing gawin. Nanaisin rin niya na bigyan ng pagkakataon ang batang ito. At iyon ang ating gagawin."

      Hindi na nakasagot ang heneral at sumuko na laamng ito.Ibinaling ni Kendrick ang kanyang tingin kay Thor. Ang kanyang mata na kulay lupa sa mukha ng isang prinsipe at isang mandirigma.

      "Bibigyan lamang kita ng isang pagkakataon." Paliwanag ni Kendrick. "Tingnan natin kung kaya mong tamaan ang markang nasa gitna"Itinuro nito ang isang tumpok ng damo na may pulang marka sa gitna. Ilang sibat na ang nakatusok dito ngunit wala pa kahit isa ang nakatama sa pulang marka."Kung makakaya mong gawin ang hindi kaya ng karamihan sa mga naririto, kung kaya mong tamaan ang pulang marka, tatanggapin ka namin sa Legion."Umatras ang mandirgma at naramdaman ni Thor ang mga mata na nakatingin sa kanya.Nakita niya ang lalagyan na puno ng mga sibat at tiningnan niya ito ng mabuti. Ang mga ito ay yari sa pinakamatitibay na uri ng kahoy na binalutan ng balahibo. Bimils muli ang tibok ng kanyang puso habang pinupunasan niya ng kanyang kamay ang dugo mula sa kanyang ilong. Ngayon lamang